Grupo ng mga nagbebenta ng gulay sa Benguet, pabor na bigyan ng police powers ang DA

Grupo ng mga nagbebenta ng gulay sa Benguet, pabor na bigyan ng police powers ang DA

DAPAT bigyan ng police powers ang Department of Agriculture (DA) upang maiwasan ang pagkakaantala sa pag-aresto sa mga smuggler.

Ito ang inihayag ni Agot Balanoy ng League of Associations ng La Trinidad Vegetable Trading Areas.

Dagdag pa ni Balanoy, nagbibigay lamang ng ulat ang DA sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BOC).

Una nang inirekomenda ni Cong. Joey Salceda na bigyan ng police power ang da dahil sa mga ulat sa smuggling ng gulay sa bansa.

Dagdag pa ni Balanoy na bumababa ang bentahan ng carrots sa Divisoria at Balintawak dahil sa isang Chinese supplier na nagdi-deliver nang hinihinalang smuggled carrots sa mga costumer at mga may-ari ng restaurants.

Nababahala rin si Balanoy sa mga kemikal na katulad ng formaldehyde na posibleng inilalagay sa smuggled vegetables upang hindi agad ito masira.