Grupong balak manggulo sa Marcos admin, konektado sa komunistang grupo – Enrile

Grupong balak manggulo sa Marcos admin, konektado sa komunistang grupo – Enrile

TUMANGGI muna si former Senate President Juan Ponce Enrile na pangalanan ang mga indibidwal at grupo na nagbabalak na guluhin ang administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa kabila nito, sinabi ni Enrile sa programang “Dito sa Bayan ni Juan” na nakakabit ang mga ito sa isang grupo na matagal nang nanggugulo sa Pilipinas.

“Hindi ko masasabi ang detalye, credible at guaranteed ewan ‘yung source ng information. Kaya lang, ‘di ko masasabi ‘yung mga pangalan. Kakabit yan ng isang grupo na matagal nang nanggugulo sa ating bayan. Ang plano nila, i-embarrass at guguluhin si Presidente lalong-lalo na kung pupunta sa America,” saad ni Enrile.

Dahil dito, hinikayat ni Mang Jess Arranza, kapartner sa programa ni Enrile ang mga Pilipino na makiisa sa administrasyong Marcos Jr. dahil ito ay binoto ng nakararaming Pilipino.

Ayon naman kay Enrile, ang grupong ito ay matagal nang may ideolohiya kaya dapat protektahan ang gobyerno ng Pilipinas laban sa mga ito.

“Kailangan huwag tayong magtitiwala sa kanila, not everybody that salutes is your friend, not everybody that smile at you is your friend, not anybody, not all the besides you are friends,” dagdag pa ni Enrile.

Kaya naman, pinayuhan ni Mang Jess ang administrasyong Marcos na dapat maging maingat sa pagpili ng mga gagawing miyembro ng gabinete.

Follow SMNI NEWS in Twitter