NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng mahigit P22M para sa emergency loan ng kanilang mga miyembro sa La Paz, Agusan del Sur.
Ito ay dahil sa matinding pagbaha at malalakas na pag-ulan na tumama sa lugar at nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente.
Ayon sa GSIS, bukas ang aplikasyon sa loan hanggang Hunyo 15.
Ang mga kwalipikadong miyembro na may umiiral na emergency loan ay maaaring mangutang ng hanggang P40K upang bayaran ang kanilang kasalukuyang balance.
Ibig sabihin, hanggang P20K ang matatanggap nilang net loan.
Ang mga walang umiiral na loan ay maaaring mag-apply ng diretso ng P20K.