Guerilla fronts na binabantayan ng pamahalaan, nasa pito nalang—PA

Guerilla fronts na binabantayan ng pamahalaan, nasa pito nalang—PA

MAGMULA nang buuin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay kaliwa’t kanang katagumpayan na ang natamasa ng pamahalaan laban sa mga local terrorist at komunistang teroristang grupo.

Dahil sa whole of the nation approach ng pamahalaan sa pagtugon sa armadong pakikibaka, libu-libo kasapi ng CPP-NPA ang nagbalik loob na sa gobyerno.

Sa panayam ng SMNI News kay Col. Louie Dema-ala tagapagsalita ng Philippine Army sinabi niya na ngayong taon palang ay umabot na sa mahigit 600 na mga rebelde ang kanilang na-neutralize.

Habang umabot naman sa halos 800 armas ang kanilang narekober.

‘’From January to June 2024 the Philippine Army recorded of 608 LTGs and CTGs na neutralized natin 799 firearms yung na recover natin,” ayon kay Col. Louie Dema-ala spokesperson, PA.

‘’Out of the 608 na na-neutralized na LTGs and CTGs 458 doon are surrendered the rest is either killed or captured at that period,” saad nito.

Kaya naman habang tumatagal ay lalong humihina ang pwersa ng mga makakaliwang grupo.

Sa katunayan, nasa 7 weakened guerilla fronts nalang ang binabantayan ngayon ng army at inaasahan nila na ngayong taon ay mabubuwag na ang mga ito.

“As of now recently with the pronouncement of chief of staff we have as the 2nd quarter we have now 7 weakened guerilla fronts so yun nalang ang tinitignan natin ngayon hoping this year diamantled na,” dagdag nito.

“Ang focus nalang natin is yung sa central front at southern panay front negros area yung ano natin and then sa north naman yung central luzon at isabela Cagayan,” ani Col. Louie Dema-ala.

Kaya naman para hindi muling balikan ng komunistang teroristang grupo ang mga komunidad na dati nilang tinatakot ay patuloy na ipinapatupad ng pamahalaan ang mga programa na makakatulong sa mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar.

“Yung mga programs under the national task force ending the local communist armed conflict ito ay napaka-importante dahil tuloy-tuloy dapat natin masustain yung mga gain sa mga area na previously gaind natin para hindi ma sila mabalikan,”ayon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble