Guidelines tungo sa pagpapalakas ng Halal industry, posibleng ilalabas na sa susunod na taon

Guidelines tungo sa pagpapalakas ng Halal industry, posibleng ilalabas na sa susunod na taon

KASALUKUYANG ginagawa na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang guidelines na layuning magpapalakas ng Halal industry sa bansa.

Posibleng mailalabas ang guidelines ayon kay PEZA Ecozone Development Department Manager Ludwig Daza sa susunod na taon kasabay ang pagtatayo ng Halal hubs sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Daza na maaaring sa Mindanao magsisimula ang pagpapatayo ng Halal hub.

Samantala, target ng Department of Trade and Industry (DTI) na makakuha ng hanggang P230-B na Halal trade at investments.

Target din na makagawa ang Halal industry ng 120 libong trabaho para sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter