Gumuhong tulay sa Ilocos matatapos sa loob ng 2 linggo –DPWH

Gumuhong tulay sa Ilocos matatapos sa loob ng 2 linggo –DPWH

MATATAPOS sa loob ng dalawang linggo ang gumuhong tulay sa Ilocos noong October 20, 2022 ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Jocelyn Omar DPWH Region 1 Maintenance Management Section Chief, ang 37.70 Bailey Bridge na itatayo gamit ang mga bumagsak na span steel panels para pansamantalang makatawid ang mga sasakyan.

Matatandaan gumuho ang parte ng Carlos Romulo Bridge kung saan 12-wheeled dump truck na kargado ng buhangin at 6 wheeled Isuzu elf truck na may kargang fertilizers ang dumaan nang nangyari ang pagguho.

Sa ngayon patuloy namang sinusubukan ng DPWH na tanggalin ang isang dump truck na nahulog sa Carlos Romulo Bridge.

Follow SMNI NEWS in Twitter