AYON sa Philippine National Police (PNP), umabot na sa 1,563 ang nakumpiskang baril mula Enero 12 hanggang Marso 7, 2025.
Mula sa bilang na ito, 134 ang nakuha sa mga checkpoint, habang karamihan ay nakumpiska sa operasyon ng pulisya.
Kabilang dito ang anti-illegal drug operations, buy-bust operations, at iba pang pagpapatupad ng batas.
Ang gun ban ay tatagal hanggang Hunyo 11, 2025.