Gun ban violators sa bansa, nasa 11 na  ayon sa PNP

Gun ban violators sa bansa, nasa 11 na ayon sa PNP

MATAPOS ang isang araw, pumalo na sa labin isang indibidwal ang naitalang lumabag sa election gun ban sa bansa.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 9, 2022 hanggang kahapon Enero 10, 2022, pawang mga sibilyan ang nahulihan ng baril habang umiiral ang election gun ban mula sa iba’t ibang COMELEC checkpoints sa bansa.

Giit ng PNP, ngayong panahon ng halalan, tanging mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agency ang maaaring magdala ng armas.

Samantala, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 76 lugar ang isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR) upang mapigilan ang kaso ng nasabing sakit.

Batay ito sa ulat ng PNP Command Center mula sa 57 barangay sa 5 lungsod at munisipalidad sa rehiyon.

Pinakamaraming lugar na naka-lockdown ay sakop ng Manila Police District (MPD) na umabot sa 41.

Sinundan ito ng Eastern Police District (EPD) na may 18 lugar, Northern Police District (NPD) na may 16 lugar at Southern Police District (SPD) na may 1 lugar.

Apektado ng lockdown ang 137 kabahayan at 251 indibidwal.

Ang pagdaragdag ng granular lockdowns ay nakapdepende sa LGU batay sa laki o dami ng bilang ng tinataaman ng sakit na COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

BASAHIN: NCRPO: dalawang lalake, arestado sa paglabag sa COMELEC gun ban

SMNI NEWS