Gun licensing system sa bansa, pinahihigpitan

Gun licensing system sa bansa, pinahihigpitan

NANAWAGAN si House Speaker Martin Romualdez sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Philippine National Police (PNP) na higpitan ang gun licensing system sa bansa.

Isa ito sa mga panawagan ni Romualdez sa law enforcement agencies nang magpatawag ito sa kanila ng meeting sa Batasang Pambansa.

Ani Romualdez, dapat higpitan ang paggawad ng gun license sa pamamagitan ng dagdag trainings para sa gun safety.

At laliman pa ng mga otoridad ang background check sa lahat ng bibili ng baril para maiwasan ang abuso.

Nanawagan din ang lider ng Kamara sa law enforcement agencies na pagtibayin pa ang national database of firearms ng pamahalaan.

At i-track o magkaroon ng effective tracking sa lahat ng galaw ng mga may-ari ng baril sa buong bansa.

“These proposals are meant to ensure a safer environment for everyone. This is our commitment to protect the citizens and promote public safety,” ani Romualdez.

Nanawagan din ang lider ng Kamara sa Department of Justice na tiyaking nakakasuhan ang lahat ng lumalabag sa illegal possession of firearms.

Follow SMNI NEWS in Twitter