Gunman sa pagpaslang kay Percy Lapid, tukoy na!

Gunman sa pagpaslang kay Percy Lapid, tukoy na!

NATUKOY na ng pulisya ang mga suspek sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Kinilala ang gunman na si Joel Estorial.

Ayon sa suspek, galing sa Bilibid ang kautusan ng pagpapapatay kay Percy Lapid.

Bukod kay Joel, sangkot din sa insidente ng pamamaril sa suspek ang magkapatid na sina Orly at Israel Dimaculangan.

Paliwanag ni Joel, dahil sa pera kaya nagawa nito ang krimen.

Nagkakahalaga ng 550,000 pesos ang pera na pinaghati-hatian ng mga suspek sa pagpatay kay Lapid.

Follow SMNI NEWS in Twitter