Guro at mga bisita na hindi bakunado, pagbabawalang makapasok sa mga paaralan sa Hong Kong

Guro at mga bisita na hindi bakunado, pagbabawalang makapasok sa mga paaralan sa Hong Kong

PAGBABAWALANG makapasok sa mga paaralan sa Hong Kong ang mga hindi bakunado na guro at mga bisita.

Simula Pebrero 24 ngayong taon, hindi na papayagang makapasok sa lahat ng paaralan sa syudad, ang mga guro, mga kawani at mga bisita na hindi pa bakunado.

Nagpadala ng liham ang kagawaran sa edukasyon sa lahat ng mga paaralan patungkol sa mga bagong kaayusan bilang bahagi ng pagpapalawig ng “vaccine bubble.”

Tanging mga guro, non-teaching staff, service provider at bisita na kahit nakatanggap lamang ng isang doses ng bakuna ang papayagang makapasok sa kindergarten, elementarya, sekondarya at tutorial na paaralan.

Ang mga kawani na deriktang tinanggap ay kailangang makatanggap ng pangalawang doses ng bakuna bago mag Abril 21.

Binigyang diin rin ng kagawaran na ang mga gurong hindi bakunado ay maaaring magsagawa ng anumang aktibidad sa pagtuturo online o outdoor sa panahong hindi suspendido ang face to face classes.

Dagdag pa ng kagawaran na responsibilidad ng mga namumuno sa paaralan na disiplinahin ang mga kawani nito ayon sa employment ordinance at codes of aid.

Samantala, ang  mga taong hindi nabakunahan na hindi kabilang sa bagong kaayusan ay kailangang sumailalim sa compulsory testing tuwing tatlong araw.

SMNI NEWS