KINASUHAN at pinatawan na ng preventive suspension ang guro mula Peñafrancia Elementary School na nanampal sa isang Grade 5 student.
Ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd).
Sa ngayon ay wala nang mailalabas pa na karagdagang detalye ang DepEd dahil sa nagpapatuloy na administrative proceedings.
Matatandaan na nasawi ang estudyante kamakailan dahil sa pamamaga ng utak.
Tiniyak naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mabilis na imbestigasyon ng nasabing insidente.