APEKTADO ng gumuhong lupa at putik ang isang gusali at classrooms ng Quinawan Integrated School sa Bagac, Bataan.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa bayan ng Bagac.
Nasira ang slope protection kaya’t dumaloy ang mga putik sa loob ng mga classroom.
Nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan hinggil sa insidente.
Payo naman ng Mines and Geosciences Bureau na pansamantala munang isara ang mga apektadong classrooms para sa kaligtasan.