Halaga ng ayudang naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng shear line, umaabot sa P50.5-M

Halaga ng ayudang naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng shear line, umaabot sa P50.5-M

TINATAYANG nasa P50.5-milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga probinsyang apektado ng shear line.

Ibinahagi ito ng Presidential Communication Office (PCO) kung saan kabilang sa ipinamamahagi ng ahensya ang family food packs at cash assistance.

Katuwang dito ng DSWD ang local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), at iba pang partner ng ahensya.

Samantala, muling tiniyak ng DSWD ang mabilis at epektibong paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya o komunidad sa panahon ng sakuna.

Follow SMNI NEWS in Twitter