Halaga ng pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura, nadagdagan pa –NDRRMC

Halaga ng pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura, nadagdagan pa –NDRRMC

PATULOY ang paglobo ng halaga ng pinsala na iniwan ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa mahigit P6.1-B ang total production loss sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 9, 10, BARMM, at CAR.

Nasa 144,682 naman na magsasaka at mangingisda ang apektado habang 134,651 ektarya ng crop area ang napinsala.

Samantala, umakyat na rin sa P5.05-B ang iniwang pinsala ng bagyo sa imprastraktura.

Ayon sa NDRRMC, 53,096 ang napinsalang bahay kung saan 47,988 ang partially damaged at 5,108 ang totally damaged na nagkakahalaga ng P17.28-M.

Batay sa ahensya, nasa 159 ang nasawi dahil sa Bagyong Paeng kung saan 127 ang kumpirmado habang beneperipika pa ang 32 na iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter