TINUTUNTON na ng PNP Highway Patrol Group ang luxury car na gumagamit ng logo ng pambansang pulisya.
Ayon sa PNP HPG, ipinag-utos ni PNP HPG director Police Brigadier General Clifford Gairanod ang pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa pagkakakilanlan ng may-ari o drayber ng Toyota Alphard na nag-viral sa VISOR Facebook page noong Nobyembre 8.
Una nang nilinaw ng National Capital Region Police (NCRPO) na wala silang iniisyu na luxury vehicle para gamiting police car.
Mahigpit na ipinaalala ng pulisya sa publiko na ipinagbabawal ang paggamit ng logo ng PNP sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code.