Halos ₱1.2-M halaga ng damit pang-ukay-ukay, timbog ng PCG, BOC

Halos ₱1.2-M halaga ng damit pang-ukay-ukay, timbog ng PCG, BOC

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) ang halos ₱1.2 milyong halaga ng mga hindi dokumentadong gamit na damit sa Matnog Port, Sorsogon noong Disyembre 6, 2022.

Kasunod ito ng isinagawang operasyon ng mga awtoridad laban sa mga hindi dokumentadong kagamitan.

Nakita ang 41 bundle ng mga damit pang-ukay-ukay sa loob ng isang puting pampasaherong van.

Agad na kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng BOC ang naturang sasakyan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter