Halos 100 personahe ng QCPD sumailalim sa mandatory drug testing

Halos 100 personahe ng QCPD sumailalim sa mandatory drug testing

NAGSAGAWA ang Quezon City Police District (QCPD) ng mandatory drug test sa halos 100 personahe nito.

Ang nasabing hakbang ng QCPD ay kaugnay sa Revitalized Internal Cleansing Strategy na naglalayong mapanatili ang drug-free na kapulisan.

Ang nabanggit na drug test ay ginawa sa ilalim ng liderato ni QCPD acting director PCol. Melecio Buslig Jr.

Kabilang din na sumailalim sa naturang inisiyatiba ang mga bagong personahe, mga nag-aaral at ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) at District Drug Enforcement Unit (DDEU).

Base sa resulta na inilabas ng QCPD Forensic Unit, negatibo sa methamphetamine at THC metabolites ang lahat ng specimens na sumailalim sa pagsusuri.

Patunay rin ito sa katapatan ng QCPD sa kanilang pangako na ipatupad ang disiplina, propesyonalismo, at pananagutan ng mga alagad ng batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble