NAARESTO ang tatlong Most Wanted Persons kabilang na ang isang District Level Most Wanted Person ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa bisa ng warrant of arrest.
Ito ang inanunsiyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico A. Maranan.
Batay sa report ng CIDU sa pamumuno ni PMaj. Don Don Llapitan, Chief, kinilala ang akusado na si Bernard Bangalando, 26 taong gulang, residente ng Brgy. Engkanto, Angat Bulacan at nakalista bilang No.10 District Level-Most Wanted Person.
Si Bangalando ay naaresto dakong 12:00 PM, Hulyo 11, 2024 sa harap ng Landbank QC Hall Branch, Quezon City. Siya ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ng Branch 303, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Sa kabilang banda, ang Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni PLtCol. Reynaldo Vitto, naaresto rin ang akusadong si Eduardo de Roxas, 59 taong gulang, residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City at nakalista bilang No.10 Station Level-Most Wanted Person, dakong 12:25 AM, July 11, 2024 sa Area 6-A, Brgy. Sauyo, Quezon City.
Si Roxas ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong R.A 9165 na inisyu ng Branch 218, RTC, Quezon City.
Samantala, naaresto rin ng Pasong Putik Police Station (PS 16) sa pamumuno ni PLtCol. Josef Geoffrey Lim, Station Commander, ang kanilang No. 7 Station Level-Most Wanted Person na kinilala bilang si Carlito Esco, 45 taong gulang, residente ng Brgy. Batasan Hills, Batasan, Quezon City.
Siya ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong Theft na inisyu ng Branch 32, Metropolitan Trial Court (MTC), Quezon City.
Ang mga hukumang pinagmulan ng mga utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.