Halos 100 piraso ng armas, nakumpiska sa Makati

Halos 100 piraso ng armas, nakumpiska sa Makati

HALOS 100 piraso ng iba’t ibang uri ng armas, nakumpiska ng mga awtoridad sa isang raid sa Makati araw ng Lunes, March 20, 2023.

Pinangunahan ang operasyon ng PNP-CIDG Anti Organized Crime Unit.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng mga operatiba ang Unit 1508 15th Floor, Edades Tower, Rockwell, Makati City.

Napag-alaman na isang Taiwanese national ang may-ari ng naturang mga baril na kinilalang si Jian Zhang Xiadong aka Liu Ming Chung na kasalukuyang at large.

Batay sa inisyal na impormasyon, ipinagbibili ng suspek ang mga armas sa bansang Taiwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter