NAGBUKAS ng 15,514 na mga trabaho ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay sa pagdiriwang ng Ika-96 ng kaarawan ni dating Senator Blas Ople.
Pinangunahan naman ni DMW Secretary Susan Ople ang pagbubukas ng programa kung saan 11,124 na overseas jobs ang inialok ng 29 mga recruiters at overseas employers habang 4,390 na mga lokal na trabaho ang binuksan ng 51 mga local employers.
Ipinagmalaki naman ng DMW na sa kasagsagan pa lamang ng okasyon ay umabot agad sa 77 ang naitalang HOTS o Hired on the spots.
Samantala nananatiling bukas pa rin ang marami sa mga iniaalok na trabaho na maaaring aplayan sa Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office na nasa Blas Ople Livelihood Center sa bakuran ng Kapitolyo sa lungsod ng Malolos, Bulacan.