Halos 50 na bilanggo mula Bilibid, inilipat sa Leyte Prison

Halos 50 na bilanggo mula Bilibid, inilipat sa Leyte Prison

INILIPAT na sa Leyte Regional Prison ang halos limampu (48) na mga bilanggo mula sa New Bilibid Prison.

Sa pahayag ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang, Jr. na bahagi pa rin ang paglilipat na ito sa kanilang hakbang tungo sa decongestion ng Bilibid.

Bilang paghahanda na rin ito sa pagsasara ng piitan sa taong 2028.

Dumating ang mga preso sa Leyte noong Enero 20, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble