Halos lahat ng sakit maaaring kumapit sa mga call center agent

Halos lahat ng sakit maaaring kumapit sa mga call center agent

LIBU-libong mga Pilipino ang nagbabasakaling makahanap ng trabaho sa iba’t ibang job fair ngayong Labor Day.

Ang iba nag-aapply maging isang call center agent habang ang iba naman ay gusto mamasukan sa pabrika o maging welder sa ibang bansa. Pero, ang mga trabahong ito, maari palang magdulot ng sakit sa isang tao.

Si Noli, 32 years old, isang aplikante, nagbabasakali na matanggap sa New Zealand para maging welder.

Ayon sa kaniya, kahit mahirap ang trabaho ay kakayanin na lang niya para sa mga anak niya.

Meron daw itong karanasan sa pagwewelding na puwede niyang i-apply sa ibang bansa. Pero, ang ganitong trabaho, masyado pa lang mapanganib.

Ayon kay Dr. Bernie Balatbat, puwedeng mabulag ang isang tao dahil sa pagwewelding, maliban pa ang sakit na pwedeng makuha nito dahil sa buong hapong pagyuko.

Sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamalaking talent pool ng mga English-Speaking call center agent.

Lagpas 1M na ang bilang ng mga Pilipino na nagtra-trabaho sa mga BPO.

Pero, alam mo ba na halos lahat pala ng sakit, transferable man o hindi ay maaring kumapit sa isang call center agent.

Ayon sa doktor, mula sa napakalamig na work environment, maghapong pag-upo, pagtitig sa screen at iba pa ay iba’t ibang sakit na ang puwede mong makuha.

“Syempre, karamihan sa mga call center, yosi dito, yosi diyan, so magkakaproblema sa lungs ‘yon. Isa pa, kapag lagi kang nakaupo, 8 hours a day, na hindi ka tumatayo which is totoo ‘yan. Call center physician din ako, nakikita ko lahat nakaupo lang. Dahil nakaupo lang ‘yan, magkakaroon ng back problems ‘yan. Kahit maganda ang upuan nila still, hindi kasi maganda na nakaupo ka lang in a such long period of time kasi nga kasi ‘yong pressure ng weight ng katawan mo bumabagsak lang sa isang lugar. Pati po ‘yong diet nila, hindi sila nakakain nang maayos kaya ayun ulcer lang labas niyan. Hindi sila nakakaihi nang maayos, UTI, ang labas niyan. Hindi umiinom ng tubig nang maayos. Sa mata, lagi silang magkakaroon ng migraine. Kapag nagtagal ng 5 years sa trabaho ‘yan, asahan mo may sakit na ‘yan,” ayon kay Dr. Bernie Balatbat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble