Handang-handa na! Float ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bibida sa grand motorcade at rally sa Sogod, Southern Leyte!

Handang-handa na! Float ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bibida sa grand motorcade at rally sa Sogod, Southern Leyte!

SOGOD, SOUTHERN LEYTE — Narito na at handa nang rumampa ang float ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy para sa inaabangang grand motorcade bago ang malaking rally ng Team Duterte Senatoriables sa puso ng Sogod!

Makulay at dinisenyong may simbolismo ng pagkakaisa, pananalig, at malasakit, ang float ni Pastor ACQ ay agad naging sentro ng atensyon sa pagdating nito. Kasama rito ang mga supporters, campaign volunteers, at iba pang tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay na sabik nang ipakita ang kanilang buong suporta.

“Ang float na ito ay hindi lang simbolo ng kampanya—ito ay simbolo ng paninindigan para sa tunay na pagbabago sa Senado,” ayon sa isang volunteer mula sa Team ACQ.

Layunin ng motorcade at rally na ipakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Southern Leyte sa likod ng mga kandidatong bitbit ang adbokasiya ng malasakit, pagkakapantay-pantay, at tapat na serbisyo.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy, kasama ang iba pang Team Duterte senatoriables, ay inaasahang maglalatag ng kani-kanilang mga plataporma sa harap ng libu-libong taga-Sogod na dadalo sa grand rally.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter