NAKATULONG ang 20-point triple-double performance ni James Harden upang buhatin ang Philadelphia 76ers sa lopsided win nito laban sa Detroit Pistons na nagtapos sa iskor na 123-111.
Bukod sa 20 points, nagdagdag din si Harden ng 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang triple-double performance ngayong season at nagkaroon din ito ng sapat na suporta sa kabila ng pagkawala ng star center na sila Joel Embiid at P.J. Tucker.
Nag-ambag si Montrezl Harrell ng season-high na 20 points sa kanyang ikatlong sunod na laro na double figures upang panatilihing gumagana ang opensa ng sixers.
Ito na ang ikatlong sunod na laro na hindi nasalihan ni Embiid dahil sa namamagang paa habang si Tucker naman ay mayroon pa ring sinus infection.