Military buildup at semiconductors, magiging pokus ng G7 tour ni PM Fumio Kishida

Military buildup at semiconductors, magiging pokus ng G7 tour ni PM Fumio Kishida

NAGSIMULA na ng tour sa mga kaalyado ng Japan si Prime Minister Fumio Kishida matapos ihayag ang plano ng bansa na pinakamalaking military buildup nito mula noong World War 2.

Si Kishida ay magho-host ng summit ng Group of Seven Industrial Powers sa buwan ng Mayo.

Pero bago ito ay makikipagkita ito sa pag-iikot sa mga lider ng Estados Unidos, Britain, France, Italy at Canada ngayong linggo.

Ang mga pag-uusap ay inaasahang magpopokus sa economic security at semiconductors sa giyera sa Ukraine maging ang nuklear na pwersa ng China at North Korea.

Sa isang interview sinabi ni Kishida na bilang lider ng G7 ngayong taon, sisiguraduhin nitong magiging makabuluhan ang pagbisita nito at maisasaayos ang ilang mga isyu sa mundo.

Inaasahan din na ang pag-uusapan nito sa pagbisita sa White House ay ang plano ng Japan na maging armado ng missiles na kayang makaabot sa China o North Korea, bilateral defense agreement at paglilimita sa access ng China sa advanced semiconductors. Military buildup

Sa isyu ng semiconductors, ang Japan at Estados Unidos ay makikipag-ugnayan sa isa’t isa para sa advanced chip development sa gitna ng lumalalang trade tension sa China.

Follow SMNI NEWS in Twitter