Hari ng Cambodia, bumisita sa China para magpa-medical test

Hari ng Cambodia, bumisita sa China para magpa-medical test

SASAILALIM sa medical check-up at treatment ang hari ng Cambodia na si Norodom Sihamoni sa China.

Kasama ng hari sa kanyang pagpapagamot ay ang kanyang ina,  at ang dating Reyna na si Norodom Monineath Sihanouk.

Sa isang royal message nag iwan ng mensahe ang hari sa mga kawani nito na magpapagamot siya pansamantala.

Pamumunuan naman ni Senate President Samdech Say Chhum ang iniwang pwesto ni Sihamoni habang nasa China pa ito.

Samantala, 2 beses naman kada taon isinasagawa ang medical check-up sa hari ng Cambodia sa China.

Follow SMNI NEWS in Twitter