Japanese ambassador nagpaabot ng pasasalamat sa pakikiramay ng Cambodia sa pagpanaw ni Shinzo Abe

Japanese ambassador nagpaabot ng pasasalamat sa pakikiramay ng Cambodia sa pagpanaw ni Shinzo Abe

NAGPAABOT ng pasasalamat sa Cambodia ang isang Japanese ambassador matapos makiramay sa pagpanaw ni Shinzo Abe.

Sa isang Facebook post, iniabot ni Japan Ambassador Mikami Masahiro sa mga Cambodian ang pasasalamat nito dahil sa pakikiramay ng bansa sa pagpanaw ni dating Japanese Foreign Minister Shinzo Abe.

Kabilang sa mga nakiramay ay ang mga royal family ng bansa, mga nasa Senado, mga kawani ng national assembly, royal government, institutions at maging mga mamamayan ng bansa.

Sa maikling mensahe ng ambassador sa Cambodia, inihayag nito ang matibay na pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng pagpanaw ng former Prime Minister Shinzo Abe.

Matatandaan na noong nabubuhay pa ang punong ministro hindi nito nakakalimutan ang pakikipag-ugnayan sa Cambodia maging sa pagsali sa mga summit at foreign policy formulation sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter