Head coach ng Toronto Raptors, pinagmumulta ng $25-K

Head coach ng Toronto Raptors, pinagmumulta ng $25-K

PAMUMULTAHIN ng $25,000 ang head coach ng Toronto Raptors na si Darko Rajaković matapos nitong harap-harapang kinuwestiyon ang referees ng NBA.

Ito’y matapos natalo ang Raptors kontra Los Angeles Lakers sa iskor na 132-131.

Partikular na pinuna at hindi sinang-ayunan ni Rajaković ang pagkakaroon lamang ng dalawang free throw attempts sa fourth quarter ng kaniyang koponan samantalang nakakuha ng 23 free throws ang LA Lakers.

Ayon sa head coach, hindi aniya naging patas ang laro sa kabuuan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble