TUMAAS ang headline inflation rate ng bansa sa 2.5 percent nitong Nobyembre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula ito sa 2.23 percent noong Oktubre.
Itinuturong pangunahing dahilan ng PSA dito ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at mga non-alcoholic drinks na pumalo sa 3.4 percent nitong Nobyembre mula sa 2.9 percent noong Oktubre.
Samantala, partikular na sa food inflation, mula 3.0 percent noong Oktubre ay nasa 3.5 percent na ito noong Nobyembre.
Ang pagmahal ng presyo ng gulay, isda at karne ang sanhi naman ng pagtaas na ito.