TINUTUTUKAN ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng health card para sa lahat ng mga pulis.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, mayroon na silang kinakausap na financial institutions na tutulong sa health care benefits.
Sakaling maisakatuparan na ay priority sa health cards ang Metro Manila lalong-lalo na ang malalayong probinsiya.
Nauna nang inanunsiyo ng PNP Chief ang hinggil sa health cards noong Mayo 6 sa flag-raising ceremony sa Camp Crame.