ISUSULONG ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang karagdagang health facilities para sa mga mahihirap na mga residente sa buong bansa.
Ani Go maraming Pilipino ang nangangailangan ng pangkalusugan lalong-lalo na sa mga nakatira sa remote areas.
Dagdag pa ng senador hindi na kailangan na ang ospital ay maging specialty hospital o specialty center, ang mahalaga ay makapagbigay ng agarang serbisyo ang pamahalaan sa mga mamamayang Pilipino.
Nagpakita naman ng suporta si Go sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dagdadan ang mga specialty hospitals sa loob o labas ng Metro Manila.