Health status ng COVID-19, ‘di kailangang baguhin—PBBM

Health status ng COVID-19, ‘di kailangang baguhin—PBBM

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi na kailangang baguhin ang health status ng COVID-19 sa bansa, sa kabila ng pagtanggal ng World Health Organization (WHO) sa emergency status nito.

Ani Pangulong Marcos, hindi nila ibinalik ang emergency status ng Pilipinas simula pa noong nakaraang taon kung kaya wala silang kailangang gawin ngayon dahil normal na ang kalagayan ng bansa.

Matatandaan na noong Oktubre nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi na ituturing ng Pilipinas na “emergency” ang COVID-19 pandemic ngunit hindi tatanggalin ang nationwide state of calamity dahil sa kailangan pang ayusin ng pamahalaan ang ilang non-health issues sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter