KINUMPIRMA ni Heart Evangelista na bibida siya sa isang serye sa Netflix.
Matapos ang kanyang all out experience sa Paris fashion week, ibinahagi ng actress/model na bibida siya sa isang serye sa Netflix.
Bagaman hindi niya pinangalan ang serye, ibinahagi ng aktres na natapos na niya ang pagshoot ng pelikula.
Bago ang rebelasyon, matatandaang may mga tsismis online na magiging bahagi si Heart ng ikalawang season ng Netflix reality show na Bling empire.
Noong nakaraang taon din na nakita si Heart kasama ang Bling empire star na si Kane Lim sa California.
Ang Bling empire ay isang hit reality show na nagtatampok sa buhay ng grupo ng mga mayayamang Asian at Asian-American na nakabase sa Los Angeles.