Heat-related incidents binabantayan ng OCD

Heat-related incidents binabantayan ng OCD

MATINDING pag-iingat ang payo ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko lalo’t noong nakaraang taon, nagtala ang bansa ng 7 casualty at 50 heat-related injuries.

Ayon kay OCD Spokesperson Atty. Chris Bendijo, mahigpit na tinututukan ngayon ng OCD ang iba’t ibang heat-related incidents ngayong nag-uumpisa nang nararamdaman ang matinding init ng pahanon.

Binabantayan aniya ng ahensiya ang mga sintomas tulad ng heat cramps, pagkahilo, matinding pagpapawis gayundin ang posibleng heat stroke.

Kaugnay rito, matibay ang koordinasyon ng OCD sa Department of Health (DOH) upang masigurong may sapat na impormasyon ang publiko kung paano makaiiwas sa ganitong uri ng injuries at illnesses.

“Sa kabutihang-palad po ‘no, dahil siguro umpisa pa rin wala pa po tayong naitatalang mga seryosong heat-related injuries and illnesses ‘no,” ayon pa kay Atty. Chris Bendijo, Spokesperson, OCD.

Kabilang naman sa mga lugar na mino-monitor ngayon ng OCD kung saan mas maraming apektado ng matinding init ng panahon ang Dagupan City; Iba, Zambales; San Isidro, Bulacan; Tanauan, Batangas; at San Jose, Occidental Mindoro.

“Ito po ay nakabase sa heat index na naitala po ng PAGASA at ang ating pong mga regional directors ay inutusan na ng ating Usec. Ariel Nepomuceno na mag-imbentaryo at mag-preposition ng ating mga emergency response vehicles pati po iyong ating mga medical supplies sa mga lugar na ito na matataas po iyong mga nari-reflect at nari-register na heat index, pahayag pa ni Bendijo.

Sa gitna ng tumitinding init ng panahon, hindi lang basta temperatura ang kailangang bantayan—kundi pati ang ating kalusugan at kaligtasan. Kaya’t paalala ng OCD: manatiling hydrated, iwasan ang matinding sikat ng araw, at maging alerto sa mga senyales ng heat-related illnesses. Dahil sa panahon ng matinding init, ang wastong kaalaman at maagap na pag-iingat ang magiging pinakamabisang panangga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble