AGAD na sinibak sa puwesto ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang acting superintendent ng Davao Prison and Penal Farm.
Ito’y makaraang nakatakas ang isang preso subalit mabuti na lang at muling naaresto ito.
Kinilala ang nasibak na si Chief Superintendent Rufino Martin.
Habang ang person deprived of liberty na nakatakas ay si Jundee Cano, 38-anyos na nakakulong sa Minimum Security Compound na nakatakas noong Setyembre 13 pero agad din naaresto nitong Setyembre 17.
Sinabi ni Catapang na hindi inireport sa kaniya na may presong nakatakas at dalawang araw na ang nakalipas ng pagkaaresto ay saka pa lamang ito inireport sa kaniya.
Iginiit ni Catapang na anumang untoward incident na tulad nito ay dapat agad na ipinararating o iniuulat sa main headquarters o sa head office sa Manila.