83 preso ng NBI, ililipat sa Bilibid Muntinlupa

83 preso ng NBI, ililipat sa Bilibid Muntinlupa

ILILIPAT sa Bilibid Muntinlupa ang 83 preso ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. at NBI Director Atty. Medardo de Lemos ang  turnover ceremony na isinagawa sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City araw ng Lunes.

Ayon sa BuCor chief, ipagagamit ang Building 14 sa NBP para sa paglalagyan ng mahigit 80 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng NBI.

Dahil sa demolition na gagawin at panibagong itatayong gusali ng NBI.

Paglilinaw rin ni General Catapang, mismo ang NBI ang magsu-supervise sa kanilang mga naturang inmates pero posibleng magiging kontrolado nila ang PDL ng NBI kung lumabas ito ng Building 14 na walang tamang koordinasyon sa BuCor.

Ang Building 14 ng NBP ay isang isolation building kung saan dating mga high profile inmates ang nakapiit sa gusali na ngayon ay nailipat na sa iba’t ibang compound ng Bilibid.

Paglilinaw ni Catapang sa gagawing paglilipat ng mga preso ng NBI sa NBP, tiniyak nito na hindi maapektuhan ang kanilang operasyon dahil malaking bilang na rin ng PDL mula sa NBP ang nalipat sa iba’t ibang prison at penal farm.

Ang pahayag ni Catapang ay kasunod sa isinagawang pamamahagi ng 15 wheelchair para sa mga senior citizen na mga PDL na nakapiit sa Maximum-Security Compound sa NBP, Muntinlupa.

Ang mga naturang wheelchairs ay donasyon mula sa AFP Financer Multi-Purpose Cooperative.

Bukod pa dito namahagi rin ng 1,400 hygiene kits sa mga PDL sa buong compound ng NBP.

Ayon din kay , nasa mahigit 200 pang mga PWD na PDL sa Maximum Compound ang nangangailangan ng wheelchair pero ang donasyon ay nagpapatuloy pa rin.

Wala pang nababangit si DG Catapang kung kailan ililipat ang mga PDL ng NBI sa Bilibid sa Muntinlupa

 

Follow SMNI NEWS on Twitter