“Heroes’ welcome”, isasagawa sa mga atletang Pinoy na sumabak sa 19th Asian Games

“Heroes’ welcome”, isasagawa sa mga atletang Pinoy na sumabak sa 19th Asian Games

MAGSASAGAWA ang Malacañang katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC) ng heroes’ welcome para sa mga atletang sumali sa 19th Asian Games.

Gaganapin ang heroes’ welcome sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Sa kakatapos lang na 19th Asian Games, nakakuha ng apat na gold, dalawang silver at 12 bronze ang Pilipinas.

Sa kabuuan ay nasa ika-17 sa ranking ang Pilipinas mula sa 45 bansang kasali.

Kung ikukumpara sa 2018 edition ng Asian Games, nasa ika-19 na puwesto ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter