10 araw na palugit para idepensa ng Malacañang at Kongreso ang Maharlika Investment Fund, hindi na palalawigin ng Korte Suprema

10 araw na palugit para idepensa ng Malacañang at Kongreso ang Maharlika Investment Fund, hindi na palalawigin ng Korte Suprema

BINIGYANG pagkakataon ng Korte Suprema ang Malacañang at Kongreso na magpaliwanag o idepensa ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 o ang Republic Act No. 11954.

Nakasaad sa EN Banc Resolution ng Korte Suprema na inaatasan ang sangay ng Ehekutibo at Lehislatura na ipaliwanag sa loob ng 10 araw ang kanilang panig kaugnay sa petisyon na humiling na ideklarang ilegal ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 o ang Republic Act No.11954.

Kabilang sa mga pinaghahain ng komento ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Finance Secretary Benjamin Diokno, House of Representatives at ang Senado.

Magugunitang kamakailan lang ay naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema sina Senator Aquilino Pimentel III, dating Congressman Neri Colmenares, at mga dating Bayan Muna Congressmen Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite.

Follow SMNI NEWS on Twitter