Hidilyn Diaz, ipinaabot ang pagbati sa katatapos na World Women’s Day

Hidilyn Diaz, ipinaabot ang pagbati sa katatapos na World Women’s Day

NAGPAHAYAG ng pagbati kamakailan si Tokyo Olympics Gold Medalist Hidilyn Diaz  sa social media sa nagdaang World Women’s Day.

Sa nasabing post, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan at angking galing ng mga ito upang maging isang kampeon sa kanilang sariling natatanging paraan.

Inilarawan din ni Diaz ang mga kababaihan bilang malakas, matapang, may kakayahan, at kayang maging mahusay sa anumang larangan at landas na kanilang piniling tahakin.

Samantala, sa hiwalay na post, nagbigay pugay din ang fiance at coach ni Diaz na si Julius Naranjo kay Hidilyn na itinuring niyang pinakamalakas na babae na nakilala niya bukod sa kanyang ina.

Ang International Women’s Day ay taunang idinaraos tuwing Marso 8 upang ipagdiwang ang mga tagumpay ng kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay, kabilang ang panlipunan, pang-ekonomiya, kultura, at pampulitika.

Follow SMNI News on Twitter