MASAYANG ibinahagi ng Filipino World at Olympic champion weightlifter na si Hidilyn Diaz ang nalalapit nitong pagtatapos sa kolehiyo.
Sa kaniyang official social media post, sinabi ni Diaz na malapit na itong magtapos sa kursong business management sa College of St. Benilde.
Maliban sa pagtatapos sa pag-aaral, target din ngayon ni Hidilyn na makapasok sa 2024 Paris Olympics.
Nagsimulang mag-aral si Diaz sa St. Benilde isang taon matapos manalo ng silver sa Rio Olympics noong 2016.