NAMAHAGI ng weightlifting materials ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kasama ang kanyang asawa na si Coach Julius Naranjo.
Ayon kay Hidilyn, layunin nito na mai-promote ang weightlifting sport sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamamahagi nito sa mga grassroots level o sa mga local government unit (LGU).
Ang mga lungsod ng Manila, Taguig City at Dasmariñas City ang mga lugar na nabigyan ng mga weightlifting equipments, mula sa platforms at weightlifting bars.
Dagdag pa nito na nais nitong makapag-donate hindi lang sa National Capital Region kundi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
Matatandaan na nagdonate din si Hidilyn ng mga equipments sa Armed Forces of the Philippines noong nakaraang buwan.