NAGKAENGKWENTRO ang tropa ng gobyerno at mga miyembro ng armadong grupo sa Central Mindanao.
Sa ulat kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr. nagsasagawa ng focused military operation ang 1st mechanized IB nang makaharap ang nasa 10 miyembro ng armadong grupo sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao.
Habang nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 5 miyembro ng armadong grupo sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Gumamit din ang militar ng artillery at mortar laban sa mga tumakas na kalaban.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M79 grenade launcher, isang M16A1 rifle, isang pang-itaas na PNP uniform, dalawang pares ng combat boots at iba pang gamit.
Samantala, sinabi ni General Rosario na patuloy na pinaiigting ng militar ang combat at non-combat operations upang hindi na makapaghasik ng karahasan ang mga armadong grupo.