MAKAKAHARAP ng Choco Mucho Flying Titans ang PLDT High Speed Hitters sa semifinals sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Mas nagiging kapana-panabik ngayon ang semifinals ng nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference.
Dalawang team na lang ang kailangan upang makumpleto ang walong koponan na maghaharap sa semifinals round.
Kabilang sa koponan ang umabante sa semis ang PLDT High Speed Hitters.
Tinalo ng PLDT sa quarterfinals ang Zus Coffee Thunderbelles
Sa kanilang game, hawak ng Zus Coffee ang first set win sa iskor na 20-25.
Pero sa mga sumunod na set, dinomina ito ng High Speed Hitters sa iskor na 25-20, 25-20 at 26-24.
Tumulong naman sa panalo ng team si Savi Davison na nagtala ng career-best 34-point.
Makakaharap ng PLDT sa semis ang Choco Mucho Flying Titans.
Follow SMNI News on Rumble