High speed railway na itinatayo sa Thailand, kinakailangan ng karagdagang 300-B baht na budget

High speed railway na itinatayo sa Thailand, kinakailangan ng karagdagang 300-B baht na budget

PLANO ng state railway ng Thailand na mag-invest ng 300 pang bilyong baht para sa ikalawang yugto ng Thai-Chinese High Speed Railway project.

Inihayag ng ahensya na ang blueprint para sa 356-kilometer section ng ikalawang yugto ng proyekto mula Nakhon Ratchasima patungo sa border province ng Nong Khai ay natapos na.

Isang environmental impact assessment ang isusumite sa Office of Natural Resources and Environmental Policy and Planning (ONEP).

Ang proposal para sa 300 bilyong baht na budget ay inaasahan na maisusumite ng SRT board sa Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon bago pa ito ibigay sa gabinete para sa pag-apruba nito.

Ayon sa isang source, ang auction para malaman ang bidding winner ay isasagawa kapag naaprubahan na ng gabinete ang proposal sa buwan ng Mayo.

Follow SMNI NEWS in Twitter