PUMALO na sa ₱34.7 milyon ang naipamahagi ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) at lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na apektado ng nagdaang Bagyong Karding.
Kabilang sa ipinamamahagi ng ahensya ang family food packs at cash assistance sa pamilyang nawalan ng tirahan.
Sa tala ng DSWD, nasa higit 200,000 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Kung saan, 4,765 kabahayan dito ang totally damaged habang nasa higit 14,00 naman ang partially damaged.