PINA-igting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya kontra loose firearms upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Sa datos ng PNP, umabot sa 10,214 baril ang nakumpiska sa iba’t ibang panig ng bansa mula Enero 1 hanggang Mayo 7, 2023.
Habang 3,208 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr., ang mga ilegal na armas ay banta sa kaligtasan ng publiko lalo na kadalasan itong ginagamit ng mga kriminal, upang maisagawa ang kanilang masamang hangarin.
Dahil dito, nanawagan ang Chief PNP sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanilang ang mga nagmamay-ari o nagbebenta ng mga ilegal na armas.