PUMALO na sa 21.6 milyon ang naimprintang national identification (IDs) cards.
Sa nasabing bilang, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) OIC Deputy National Statistician Fred Sollesta na 16.7 milyon na dito ang naideliver sa mga Pilipino.
Ayon kay Sollesta, malapit nang mag-isyu ang PSA ng digital copies sa printed pdf form upang magamit ng mamamayan sa kanilang kredensyal.
Posible aniyang ilunsad ang downloadable mobile version ng national ID sa katapusan ng taon o unang quarter ng 2023.
Tiniyak naman ni Sollesta na ang printed o downloaded national IDs ay ituturing na valid at idinisenyo upang maging kasing secure ng physical cards.
Sa ngayon, nasa 73.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng step registration o biometric details collection.
Sinabi ni Sollesta na target ng PSA na makapag-release ng 50 milyong national IDs bago matapos ang 2022 at makapag-distribute ng 92 milyong ID credentials sa kalagitnaan ng 2023.