Higit 222,000 customer ng Maynilad, makakatanggap ng rebate sa February bill

Higit 222,000 customer ng Maynilad, makakatanggap ng rebate sa February bill

NASA 222,221 customers ng Maynilad ang makakatanggap ng rebate sa February bill.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Board (MWSS-RO), ang Maynilad customers na nakaranas ng water interruption ng mahigit 24 oras simula noong Disyembre 23, 2022 hanggang Enero 15, 2023 ay makakatanggap ng rebate na P376.78.

Habang ang mga customer na nakaranas ng intermittent water interruptions ay makakatanggap ng rebate na P101.30. customer ng Maynilad

Matatandaang ipinag-utos ng MWSS-RO sa Maynilad na magbigay ng mahigit P27.4 milyon na rebate o balik-bayad sa kanilang mga customer na naapektuhan ng mahabang water service interruption sa south bunsod ng problema sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa City.

Follow SMNI NEWS in Twitter