NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,793 na COVID-19 recoveries nitong Linggo.
Nadagdagan naman ng 1,585 ang panibagong kaso.
Karamihan sa bagong kaso ay naitala sa National Capital Region, CALABARZON at Central Luzon.
Sa ngayon, nasa 23, 369 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakapagtala rin ang DOH ng 37 na bagong nasawi.
Iniulat naman ni Dr. Guido David ng OCTA Research na nasa 13.6% ang positivity rate sa bansa.